4.18.2017

sa aking kaibuturan

minsan iniisip ko
kung gaano na ba karaming luha
ang pinigilan kong ilabas...

kung gaano na karami ang pag-iyak
na pinigilan kong ibulalas...

kung gaano kadami na ang pagdaramdam
na pinigilan kong maramdaman...

kung gaano na karaming sakit
ang itinago ko sa aking kaibuturan...

hindi ko na mabilang. hindi ko na mabilang...

minsan, nakakapagod ring maging malakas at matapang.